Nasa 3 hanggang 4 na milyon katao ang nanganganib na tamaan ng sakit na zika virus ngayong taon.
Ito ang ibinabala ngayon ng World Health Organization sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso nito sa Latin America.
Ayon naman sa Estados Unidos, target nilang masimulan ang human vaccine trial bago matapos ang 2016.
Samantala, kumikilos naman na ang pinuno ng International Olympic Committee upang protektahan ang mga lalahok at mga bisita sa naturang prestihiyosong palaro sa Rio de Janeiro.
Ang zika virus ay unang natuklasan sa Uganda noong 1947 habang una namang naitala sa Brazil ang unang kaso ng virus noong Mayo ng 2015.
Ito’y kung saan papalo sa may 1.5 milyon katao na ang infected sa naturang virus.
Kasalukuyang kumalat at apektado na ng zika virus ang may 20 bansa.
By Ralph Obina