Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P3.4M halaga ng shabu matapos ikasa ang Buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga.
Kinilala ang suspek na si Dennis Balaba, 45-anyos na isinailalim sa ilang buwang surveillance.
Nakuha sa suspek ang limang pirasong plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 500 gramo ng shabu at marked money na ginamit ng undercover agent para sa transportasyon.
Nahaharap ngayon si Balaba sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Angelica Doctolero