Posibleng umabot sa 3.5 milyong katao, ang inaasahang bibisita sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque hanggang bukas, November 2.
Ayon sa pamunuan ng Memorial Park, sisimulang buksan ang sementeryo mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Nakatutok naman ang mga itinalagang pulis na magbabantay sa bawat entry at exit point ng Manila Memorial Park upang masiguro ang seguridad ng mga bibisita.
Sa ngayon, inaasahan ang mas masikip na daloy ng trapiko dahil sa malaking volume ng mga sasakyan at pagdami ng bilang ng mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.