Tinatayang aabot sa 3.5 million Filipino workers ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic simula noong buwan ng Marso.
Ayon sa Labor Undersecretary Dominique Rubia-Tutay, mula sa nabanggit na bilang, mahigit 200,000 dito ang permanente nang nawalan ng hanapbuhay dahil sa retrenchment o tuluyang pagsasara ng kanilang pinapasukang kumpanya.
Habang ang 3.3 million workers ay nasa ilalim umano ngayon ng flexible work arrangement o iyong kanilang trabaho ay pansamantalang nagsara.
Pahayag ng DOLE official, lumalabas sa kanilang datos na 1,264 companies ang tuluyan nang isinara ang kanilang kumpanya o negosyo dahil sa pandemya at 11,000 companies naman ang nagbawas ng kanilang mga empleyado.
Samantala, una ng sinabi ng DOLE na nangangailangan ng mahigit 10,000 workers ang mga sektor ng business process outsourcing, health, at construction industry.