Iniulat ng Department of Health (DOH) na halos tatlo punto limang milyong tao ang nabakunahan na sa ikatlong yugto ng “Bayanihan, Bakunahan” sa bansa mula Pebrero a-10 hanggang a-18.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang resulta ng vaccination drive ay tagumpay pa rin sa pagsisikap na labanan ang COVID-19 pandemic.
Dadag pa ng opisyal, na ang susunod na posibleng istratehiya na maaaring gawin ng gobyerno ay ilapit ang pagbabakuna sa mga komunidad.
Samantala, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Medical Consultant, Dr. Ma. Paz Corrales, hindi naabot ang target na limang milyong fully vaccianted na indibidwal dahil sa pag-aalangan sa bakuna ng publiko at post-calamity effects sa bansa.
Gayunpaman, umaasa si Corrales na mas maraming bata ang makakatanggap ng mga bakuna dahil mahalaga ito sa pagbubukas ng ekonomiya at pagpapatuloy ng face-to-face classes. —sa panulat ni Kim Gomez