Pumalo sa 3.5K indibidwal ang apektado matapos masunog ang 760 bahay sa Cavite City, Cavite.
Ayon kay Cavite Provincial Fire Director of BFP Rene Bullos, umabot sa ika-5 alarma ang sunog kung saan, kabilang sa mga nasunugan ang mga residente sa Barangay 24 hanggang Barangay 27.
Base sa imbestigasyon, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang nasabing mga bahay.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan pero patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng sunog.
Sa ngayon pansamantalang inilikas sa Ladislao Diwa Elementary School ang mga apektadong pamilya habang namahagi narin ng food packs at matutulugan ang LGUs-Cavite para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero