Nasa 3.6 million na ibinigay na COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas ang nag-expire at nakatakdang palitan ng COVAX facilty.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque, III, ang nasabing bilang ay bumubuo ng 1.46% sa imbentaryo ng bakuna sa bansa.
Aniya, walang karagdagang gastos ang pagpapalit ng mga nag-expire na bakuna ng COVAX.
Samantala, umapela si Duque at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa mga brand manufacturers na palitan ang mga sira o malapit nang masirang bakuna sa COVID-19 na binili ng gobyerno.