Niyanig din ng magnitude 3.6 ang Tinaga Island sa Camarines Norte 12:32 kaninang madaling araw at namataan sa layong 75-km Northwest ng nabanggit na lugar.
Naitala ang instrumental intensity 1 sa bahagi ng Mercedes, Camarines Norte.
Nilindol din ng magnitude 3.8 ang bahagi Sarangani, Davao Occidental na namataan sa layong 138-km Southeast ng nabanggit na lugar.
May lalim ang lindol na 32-km at tectonic ang pinanggalingan nito.
Wala namang naitalang damage at aftershock sa lugar pero pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residenteng nakatira malapit sa kabundukan at dagat. —sa panulat ni Angelica Doctolero