Pumalo sa 3.6M metriko toneladang bigas ang inangkat ng Pilipinas hanggang nitong kalagitaan ng Disyembre.
Bagong record ito para sa pag-aangkat ng Pilipinas ng bigas, na itinuturing na pangalawang bansang kumokonsumo ng pinakamaraming butil sa buong mundo.
Batay sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI), 31.54%na mas mataas ang tala kumpara sa 2.771M metriko toneladang bigas na naitala noong 2021.
Una rito, sinabi ng United States Department of Agriculture na nakikita nilang papalo sa 3.5M metriko tonelada ang aangkating bigas ng Pilipinas ngayon taon, dahil sa mataas na pagbili mula sa vietnam.
Ang China ang nangungunang bansa sa buong mundo na kumokonsumo ng bigas, sinundan ng Pilipinas, Vietnam, Vietnam, Thailand at Pakistan.