Magsisimula na sa Disyembre ang konstruksyon ng 3.7 billion dollar subway project sa Makati City.
Layunin ng proyekto na mabawasan ang traffic congestion sa lungsod sa pangunahing business at financial district sa Metro Manila.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nasa 700,000 pasahero ang kayang i-accommodate kada araw sa nasabing subway na magdurugtong sa mga public at business spot sa lungsod.
Pagdurugtungin nito ang business district ng Ayala Avenue, Makati City Hall, Poblacion Heritage Site, University of Makati, Ospital ng Makati at iba pang business zone.
Target anyang makumpleto ang subway system sa taong 2025.