Simula ng maaresto at makulong sa senado ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ng Pharmally, ilan na sa mga nakabisita dito ay ang kanilang ina at tatlong abogado.
Ayon kay Senate Sargeant at Arms Retired General Rene Samonte, nirecognize naman ng magkapatid na Dargani na abogado nila ang tatlong lawyer na magkakahiwalay na bumisita sa kanila.
May impormasyon na ang isa sa mga abogado na bumisita sa magkapatid na Dargani ay taga Davao at dati daw taga Malacañang.
Sa November 26 pa naka eskedyul ang panibagong hearing ng Blue Ribbon Committee kung saan malalaman kung makikipag kooperasyon na ang magkapatid na Dargani kung hindi manamatili silang nakadetain sa Senado.
Samantala, sinabi ni Samonte na sa ngayon ay wala pang development sa ginagawang paghahanap ng Senatr Sargeant at Arms kay dating Undersecretary Lloyd Christopher Lao ng Procurement Service ng Department of Budget and Management. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)