Lumarga na kaninang alas-8 ng umaga ang tatlong aktibidad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nagsimula ito nang magsagawa ng aerial inspection ang Pangulo sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Paeng.
Matapos nito, namahagi ng tulong ang pamahalaan kung saan nasa 1,200 na benepisyaryo ang nakatanggap ng hygiene kits, food packs, at cash assistance mula sa DWSD na pinangunahan mismo ni Pangulong Marcos sa San Jose, Antique.
Pagkagaling ng Antique, tutungo ang Pangulo sa Leyte para pangunahan ang ika-siyam na paggunita ng typhoon Yolanda na gagawin sa Holy Cross Memorial Gardens, Tacloban City na susundan ng pamamahagi ng tulong sa Academic Center Gymnasium, Palo, Leyte.
Mula Antique at Leyte ay agad na tatahakin ng Pangulo ang Region 3 partikular ang Floridablanca, lalawigan ng Pampanga.
Sa nasabing lugar mangunguna ang Pangulo sa pagtanggap, turnover, at pagbabasbas ng ground based air defense system at ng C-295 medium lift aircraft.