Tinukoy ng PHIVOLCS ang tatlong aktibong bulkan sa malapit sa probinsya ng Cotabato.
Kabilang dito, ayon sa PHIVOLCS-Kidapawan, ang Mt. Musuan sa Bukidnon at Mt. Matutum at Mt. Parker sa South Cotabato.
Nilinaw naman ng PHIVOLCS na ang Mt. Apo na nasa North Cotabato ay nasa category ng potentially active volcano na nangangahulugang libu-libong taon pa ang lilipas bago ito maging aktibo.
Sinabi ng PHIVOLCS na mayroon pang limang aktibong bulkan na nasa Mindanao at ito ay ang Mt. Hibok-Hibok sa Camiguin, Mt. Makaturing sa Lanao Del Sur, Mt. Jolo Group sa Jolo, Sulu at Mt. Tragang sa hangganan ng Lanao Del Sur at Maguindanao.
Ipinabatid ng PHIVOLCS na ang 23 aktibong bulkan sa bansa ay may kasaysayan nang pagsabog at maaari itong sumabog muli samantalang ang category ng mga bulkan ay active, potentially active at inactive.