Tatlo sa Limang akusadong Heneral na umano’y protektor ng kalakalan ng iligal na droga sa bansa ang humarap na kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
Naganap ang pagpupulong nina Dela Rosa, Chief Superintendent Bernardo Diaz, Chief Superintendent Edgardo Tinio, at Director Joel Pagdilao sa Camp Crame.
Bagaman tumanggi si Dela Rosa na idetalye ang naging pag-uusap nila, inamin ng hepe ng pulisya na malungkot ang 3 opisyal.
Gayunpaman, dahil mismong ang Pangulo ng bansa ang may hawak ng impormasyon laban sa mga akusado, wala silang magagawa kundi sumailalim sa imbestigasyon.
By: Avee Devierte