Naaresto ang 3 lalaki matapos nitong pasukin at nakawan ang isang bahay sa Barangay Commonwealth, Quezon City.
Batay sa may-ari ng bahay na si Manuela Seguera Moreno, tumawag ang kanyang anak at sinabi ang nangyaring panloloob sa kanilang bahay.
nakuha ng mga suspek ang mga cellphone at pera na nagkakahalaga ng P1,200.
Na i-report na ani Moreno ang insidente sa police station 6 habang isang concerned citizen ang nagturo sa pinagtataguan ng mga suspek at kaagad na naaresto.
Kinilala ang mga suspek na sina Loveje Blasico Malinao, JV Undiana Malsi, at Laurence De Leon Razon na pawang mga residente ng barangay holy spirit.
nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293 ng revised penal code ang mga nahuling suspek.—sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon