Nagpatupad ang National Capital Region Police Office ng gun ban at liquor ban sa Manila bilang paghahanda sa pista ng Itim na Nazareno bukas.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Jose Melencio Nartatez Jr., epektibo ngayong araw mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-siyete sa miyerkules ang gun ban.
Habang ang liquor ban ay epektibo mula pa kaninang hatinggabi, hanggang hatinggabi ng Miyerkules.
Ito’y upang matiyak ang seguridad ng mga deboto ng Itim na Nazareno.
Kaugnay nito, nauna nang ipinagbawal ang paggamit ng drone sa lunsod kahapon, bilang bahagi ng no fly zone policy, at tatagal din ito hanggang Miyerkules.
Ipinatupad naman ang no sail zone noon pang Sabado hanggang Miyerkules sa South Harbor, Pasig River, at malapit sa Quirino Grandstand kung saan magsisimula ang Traslacion. - sa panulat ni Charles Laureta