Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroon nang suplay ng bakuna ang lahat ang lugar sa bansa na pagdarausan ng National Vaccination Day.
Ayon kay DOLE Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, na bahagi ito ng preparasyon ng pamahalaan para sa malawakang bakunahan na nakatakda nang isagawa simula November 29 hanggang December1.
Pahayag ni Cucueco, na base Sa impormasyon mula sa National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center (NVOC), naikalat na ang milyun-milyong vaccine sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Sa ngayon inaayos na aniya ang listahan ng lahat ng lugar na puwedeng puntahan para sa pagbabakuna.
Maari din ani Cucueco na tanungin ng publiko ang kani-kanilang lokal na pamahalaan kung saang vaccination sites sila dapat magtungo. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)