Plano ng gobyerno na magsagawa ng tatlong araw na “national vaccination drive” kontra COVID-19 ngayong buwan.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ngayong hindi na aniya problema ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Galvez, sa national vaccination drive na ito ay magiging kaisa ang lahat ng ahensya, kabilang na ang militar, government agencies maging ang pribadong sektor.
Inihalintulad ni Galvez ang event na ito sa eleksyon kung saan aniya lahat ay abala at kabahagi.
Una nang inihayag ng gobyerno na target na mabakunahan ang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa bago matapos ang taon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico