3 araw ng Pambasang Pagdadalamhati ang idineklara sa bansang Burkina Faso sa West Africa bunsod ng pag-atake sa isang luxury hotel doon.
29 katao ang nasawi at mahigit 50 ang sugatan sa nasabing pag-atake.
Samantala, mariing kinondena ng Canada ang naganap na pag-atake kung saan kabilang ang 6 na Canadian sa mga nasawi.
Maging ang France at Switzerland ay nag-ulat din na 2 citizens mula sa kanilang bansa ang nasawi.
Pinaniniwalaang may kaugnayan sa teroristang grupo na Al-Qaeda ang nasa likod ng pag-atake.
By: Avee Devierte