Nagdeklara ng tatlong araw na pagluluksa si Egypt President Abdel Fattah el-Sisi matapos ang madugong pag – atake sa isang mosque sa kanilang bansa na ikinasawi ng mahigit 250 katao.
Sa kanyang naging talumpati, tiniyak ni el-Sisi ang malakas na pagtugon ng pamahalaan ng Egypt sa pangyayari.
Iginiit nito na nakahanda na ang Egypt police at army na ipaghiganti at ibalik ang mahigpit na seguridad at katatagan ng kanilang bansa.
Nabatid na ilang oras matapos ang anunsyo ni el-Sisi, winasak ng Egyptian air force jet ang mga sasakyan na ginamit ng mga terorista sa pag – atake at tinarget din ang hinihinalang lugar na pinagtataguan ng mga armas ng mga ito.
—-