Nagbanta ang Stop and Go Coalition ng tatlong araw na tigil pasada
Ayon kay Jun Magno, Pangulo ng Stop and Go Coalition, ito’y bilang protesta nila sakaling ipatupad ng LTFRB ang transport modernization program.
Sa ilalim ng programa, kailangang ipaayos ang mga lumang jeepney bago payagang pumasada.
Maliban dito, sinabi ni Magno na inaalmahan din nila ang ipinanukala sa transport modernization na palitan ng solar o electric powered vehicles ang mga lumang dyip.
Aniya, ihahayag na lamang nila sa media ang petsa ng strike, isang araw bago ang ito ilarga.
By: Meann Tanbio