Inirekomenda ng National Task Force (NTF) against COVID-19 sa Department Of Health (DOH) na maglabas ng circular order na magdedeklara bilang regular holiday ang three-day vaccination drive.
Ayon kay Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang magiging conceptual framework ng nabanggit na aktibidad ay whole-of-society approach at whole-of-government approach na inihalintulad niya sa araw ng eleksyon.
Dagdag pa niya, ang paghahanda para sa nationwide vaccination ay mayroong three-phases kabilang ang vaccination workshops, meetings at konsultasyon.
Kaugnay nito, nais ng pamahalaan na pansamantalang gawing vacination sites ang mga eskwelahan, covered courts at iba pang pribadong establisyimento.
Magsisilbi namang vaccinators ang Philippine Medical Association, Philippine Nurses, Philippine College of Physicians, Philippine Pediatric Society at Philippine Dental Association.
Samantala, tiniyak ni galvez na magiging synchronize ang mga responsibilidad ng bawat ahensya at organisasyong lalahok sa naturang aktibidad.—sa panulat ni Airiam Sancho