Aabot sa mahigit P1.1-M halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Navotas City kahapon.
Nakumpiska ang umano’y iligal na droga mula sa tatlong lalaki na naaresto sa kahabaan ng Tanigue Extension sa Barangay NBB Dagat-dagatan.
Nasa pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na humigit kumulang 170 grams ang nakuha ng mga otoridad mula sa tatlo.
Sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.