Tiklo ang ang tatlong suspek sa Sagay City, Negros Occidental matapos mahuling nagtatago at nagbebenta ng taklobo o giant clam shells na umaabot sa halagang P6 million.
Sinalakay at inaresto ng mga otoridad ang pinagtataguan ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte.
Base sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may itinatagong taklobo sa nabanggit na lugar ang mga suspek kayat agad nila itong isinailalim sa operasyon.
Nasamsam mula sa tatlong salarin ang 177 shells ng giant clams, na may bigat na di bababa sa isa’t kalahating tonelada.
Sa ngayon nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code.