Tatlong lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police Station dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.
Sa ikinasang buy-bust operation ng Eastern Police District (EPD) sa pangunguna ni Director P/Bgen. Orlando Yebra Jr., kinilala ang mga suspek na sina Rod Manuel Solano, 36-anyos; Mark Jore, 34-anyos; at Criss Bellen, 21-anyos.
Nakuha sa mga suspek ang libo-libong halaga ng shabu kabilang na ang limang transparent plastic sachet na naglalaman ng siyam na gramo ng shabu at nagkakahalaga ng mahigit 61,000 piso, isang 500 piso na ginamit bilang buy-bust money, at anim na isang libong boodle money.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Angelica Doctolero