Tatlong lalaki ang kalaboso sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa lungsod ng Maynila dahil sa iligal na E-sabong.
Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Isip, 25 anyos; mark Jorge Reyes, 27 anyos at Archie Balmes.
Kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 in Relation to Republic Act 10175 o Illegal E-sabong Operation ang kinakaharap ng tatlo.
Nadakip ang mga suspek ng Manila Police District – Station 1 katuwang ang Crimimal Investigation and Detection Unit sa isang bahay sa Magsaysay Street sa Tondo.
Batay sa imbestigasyon, mismong si Isip ang nanghihikayat sa mga nagsusugal na tumaya sa E-sabong.
Narekober naman mula sa mga suspek ang limang set ng computer desktop, tatlong unit ng Lan router, dalawang ng cellphone, isang genuine na 1,000 peso marked money na may kasamang boodle money at ID.