Kalaboso ang tatlong drug personalities, kabilang ang isang dating barangay kagawad, matapos madakip sa ikinasang buy-bust operation sa P. Rosales Street, Brgy. Sta Ana, Pateros.
Kinilala ang mga suspek na sina Imelda Soriano, Nenita Buenaventura, at Renato Sanga na dating barangay kagawad ng Brgy. Ligid-Tipas, Taguig.
Sina Soriano at Buenaventura ay kasama sa unified drugs watchlist ng Pateros PNP.
Nasabat mula sa kanila ang isang timbangan at ilang sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 47,600 pesos.