Nasabat ng mga tauhan ng pulisya ang halos dalawang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.8-M.
Kasunod ito ng ikinasang buy bust operation ng Northern Police District (NPD) drug enforcement unit sa parking lot ng isang hyper market sa Cubao, Quezon City kagabi.
Arestado sa nasabing operasyon ang lalaking tulak ng nasabat na marijuana na kinilalang si Gary Espinar na residente ng Lojoya Subdivision, Sta. Rosa, Laguna.
Ayon sa pulisya, ininguso si Espinar ng kaniyang dalawa pang kasamahan na una nang naaresto sa hiwalay na operasyon kung saan, nakuha sa mga ito ang P270,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot.
Ikinakasa na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naaresto.