Nanawagan ang tatlong Arsobispo sa publiko na panatilihin ang pagtanggi at pagwaksi sa anila’y nakagisnan at kulturang pagpatay at pandarambong.
Ito ang kapwa binigyang diin nina Archbishop Marlo Peralta ng Nueva Segovia; Socrates Villegas ng Lingayen Dagupan; at ni Ricardo Baccay ng Tuguegarao sa pamamagitan ng kanilang pastoral letter hinggil sa umano’y walang katuturang pagpatay at pamumuno.
Giit ng mga ito kailan matitigil ang mga pagpatay sa iba’t ibang uri ng bagay tulad ng pamamayagpag ng COVID-19; umano’y walang paruruonang pamamahala, maging ang kagutuman.
Panawagan ng tatlong opisyal ng simbahanang katolika sa publiko, gawin ang nararapat at katanggap-tanggap na paraan para kontrahin ang mga ito.
Kabilang na ang pagpaparehistro ng mga kabataan at first time voters bagay na nakikitang pinakamainam na paraan para maging maayos ang mga namamahala sa ating bansa.