Tatlong Asian Americans kabilang ang dalawang Pilipino ang nabiktima ng pag atake sa New York.
Nabatid na under observation sa isang ospital sa New York ang isang 67 taong gulang na Asian American matapos mahigit 100 beses suntukin at tadyakan ng suspek na si Tammel Esco dahilan kaya’t nagtamo ito ng facial bone fractures, brain bleeding at multiple contusions sa ulo.
Ayon sa New York City Police Department (NYPD), papauwi na ang biktima nang pagsisigawan siya ng racial slur ng suspek na sumunod sa biktima hanggang sa apartment building nito kung saan siya binugbog.
Samantala, dalawang Pinoy din ang una nang nabiktima ng hate crime at attempted murder sa dalawang train stations sa New York.
Nasa edad 50 at 67 anyos ang mga nasabing biktima na itinulak umano ng dalawang suspek sa magkahiwalay na train stations sa Queens.
Mahigpit pa ring pinag-iingat ng konsulado ang mga Pilipino sa mga nasabing pag-atake at hinimok na kaagad itawag sa kanila ang mga ganitong insidente.