Tatlong aspin o Asong Pinoy ang binigyang parangal ng Philippine National Police (PNP) bilang pagkilala sa kanilang naiambag sa police operations at pagtulong sa komunidad.
Kinilala ang tatlong retired police dogs na sina Gordon, Wanda at Bullet ang nakatanggap ng parangal mula sa mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera sa ginanap na “Salamat Kapatid and Kaibigan Program” sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad Benguet.
Pinangunahan ni Chief of staff Col. Elmer Ragay ng Police Regional Office-Cordillera ang seremonya ng retirement honors kung saan nagbigay siya ng Certificates of Recognition at Treats sa mga Canine Honorees.
Nabatid na sina Gordon at Wanda ay nagsilbi ng mahigit pitong taon bilang Combat Tracking Dogs (CTD) sa PNP habang si bullet naman na isa ring aspin, ay nagsilbi naman sa PNP ng mahigit anim na taon bilang Search and Rescue Dog (SARD na parehong nakatakda na para sa mga bago nilang tahanan.
Nabatid na ang mga asong pulis ay karaniwang nagsisimulang magtrabaho sa edad na 1 taong gulang at magretiro sa edad na 10 taong gulang pero maaari pa itong mag-iba batay sa kanilang lahi at kalusugan.