Sinibak ang 3 atleta na kasama sana sa listahan ng skateboarders na sasabak sa Southeast Asian Games.
Kasunod ito ng inihain nilang reklamo sa Phil. Sports Commission na kumukuwestyon kung bakit tinanggal ng Skateboarding and Roller Sports Association (SRSA) of the Philippines ang ilang eligible skateboarders sa SEA Games at World Roller Games 2019.
Ayon kay Arianne Mae Trinidad, pinili lamang ng SRSA ang mga inilagay nila sa skateboarding team at hindi ibinase sa mga napanalunang national competition.
Sinabi ni Trinidad na basta na lamang nya nalaman na hindi na sya kasama sa Philippine Team sa kabila ng pagiging kampeon nya sa regionals at overall champion sa nationals.
Kumbinsido si Trinidad na tinanggal sya sa sa Philippine Team dahil tumanggi syang humingi ng public apology matapos nyang ibunyag sa social media ang mga kuwestyonableng pagpili ng atleta ng SRSA.