Arestado ang tatlong babaeng empleyado matapos magnakaw ng P4.7 million sa isang bus company sa Araneta-Cubao, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Joana, Melanie at Tina kung saan, dalawa sa kanila ay kahera habang ang isa naman ay encoder ng naturang kumpaniya.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), isa sa mga inarestong suspek ang umamin na sila ay kumukupit sa kita ng bus terminal mula pa noong Oktubre dahil sa hirap ng buhay ngayong pandemiya.
Bukod pa dito, nang malaman nilang magkakaroon na sila ng supervisor na mag-o-audit sa kanilang kinikita ay agad nilang kinuntyaba ang isang lalaki na labas-masok sa isang kulungan upang mangholdap sa naturang terminal.
Samantala, mabilis ding nahuli ang ginagawa ng mga suspek matapos icheck ng may-ari ng bus-terminal ang mga cctv footage kung saan, ibinubulsa lang ng mga empleyado ang pera mula sa isang kaha.
Nahaharap ngayon sa kasong rubbery at qualified theft ang tatlong suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero