Arestado ang tatlong babae matapos makuhanan ng mahigit isang milyong piso na halaga ng shabu sa Navotas City.
Kinilala ang mga suspek na sina Kyla Marie Legaspi, 19 anyos, kapatid nitong si Kristal Shaine Legaspi, 22 anyos at Marissa Adalla, 29 anyos.
Ayon sa Navotas City Police, nagkunwaring poseur buyer sina Pssg. Christian Oclares at Patrolman Henry Quinagon at bumili ng halagang p2,500 shabu sa magkapatid na Legazpi, kung saan kasama nila si Adalla.
Matapos ang transaksiyon, dinampot na ng ibang pulis na naroroon ang nasabing tatlong Maria.
Nasamsam sa kanila ang kabuuang 162 gramo ng shabu na may market price na 1,101,600 pesos.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—sa panulat ni Mara Valle