Dumating na ang tatlong bagong multi role police helicopters para magamit sa pinaigting na law enforcement at public safety operations.
Ayon kay PNP Chief Debold Sinas tinanggap ng PNP Special Action Force – Air Unit ang tatlong bagong H125 airbus single engine turbine helicopters mula sa airbus helicopters Southeast Asia.
Sinabi ni Sinas na gagamitin ang mga nasabing helicopters sa pagpapalakas ng kakayanan ng pulisya sa kampanya laban sa insurgency at terorismo.
Dahil dito ipinabatid ni sinas na mayruon nang pitong H-125 airubs, dalawang R-22 Robinsons Police helicopters at fixed wing aircrop na naka-station sa Metro Manila ng PNP fleet.
Target ng PNP na makapag-deploy ng tig-dalawang helicopter sa Central Visayas at Mindanao at isa sa Northern Luzon habang naghahanda sa pagbili ng air ambulance bilang bahagi ng modernisasyon.