Nanumpa na si Richard Bachmann kay Executive Secretary Lucas Bersamin bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at iba pang mga bagong opisyal ng pamahalaan.
Pinalitan ni Bachmann si Atty. Noli Eala na nagsilbing PSC chief ng mahigit 3 buwan.
Maliban kay Bachmann, kabilang din sa mga nanumpa kay ES Bersamin si retired Police General Gilbert Cruz matapos iluklok ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. bilang undersecretary ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Dating permanent member ng Dangerous Drugs Board (DDB) si Cruz at naging direktor din ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Samantala, nanumpa rin si Atty. Rogelio Peig II bilang Undersecretary for Strategic Action and Response Office sa ilalim ng tanggapan ni ES Bersamin.