Napasakamay na ng Philippine National Police (PNP) ang mga bagong billing air asset nito makaraang dumating na ang tatlong H125 helicopters sa bansa.
Ayon kay PNP Director for Logistics P/Mgen. Angelito Casimiro, nagkakahalaga ng mahigit P205-M ang bawat H125 helicopters.
Dahil dito, aabot na sa 10 ang air assets ng PNP dahil maliban sa tatlong bagong dating ay may apat na itong H125 helicopters, dalawang Robinson 44 trainer chopper at isang cesna C150 trainer fixed wing.
Samantala, sinabi ni Casimiro na kaasalukuyan pa ring sumasailalim sa mechanical repair ang bell 429 helicopter ng PNP matapos masangkot sa malagim na aksidente noong Marso.
Dagdag pa ng opisyal, nakatakda ring pondohan ng GSIS ang pagbili ng PNP ng H130 helicopter na magsisilbi namang pump air ambulance na nagkakahalaga ng P430-M.
Gagamitin ang mga nasabing helicopters para sa rescue operations, medical evacuation, aerial survey at paglilipat ng mga vital asset ng PNP.