Tatlong bago kaso ng Zika ang naitala ng Department of Health.
Dahil dito, umakyat na sa kabuuang labindalawa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Zika sa Pilipinas.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial ang tatlong bagong kaso ng Zika ay naitala sa lungsod ng Iloilo.
Samantala, ang tanging infected ng Zika virus sa Cebu ay ang dalawampu’t dalawang taong gulang na babae.
Sinabi ni Ubial na labing siyam na Linggo na ang ipinagbubuntis ng naturang pasyente.
Batay sa inisyal na ultrasound ay wala namang nadetect na abnormalidad sa dinadala ng babaeng nagpositibo sa Zika.
By Ralph Obina