Inihayag ng Department of Health (DOH) ang tatlong bagong kaso ng zika virus sa bansa.
Ayon kay DOH Secretary Paulyn Ubial, dalawa sa mga bagong kaso ay mula sa Iloilo City habang isa naman sa Antipolo City.
Dahil dito, umaabot na sa 16 ang kaso ng zika virus sa bansa mula sa 264 na mga suspected zika virus cases na napaulat sa buong bansa simula January 1 hanggang October 4.
Kasunod nito patuloy ang pagpapaalala ng DOH na mag-ingat sa naturang sakit na dulot ng lamok sa pamamagitan ng paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran nito at paggamit ng kulambo.
To recover fast
Inaasahang makaka-rekober na sa mga susunod na araw ang tatlong bagong kaso ng zika virus sa bansa.
Sinabi ni Health Spokesman Dr. Eric Tayag na katulad ng naunang 12 kaso, mild zika lang din ang tumama sa tatlong indibiduwal.
Bahagi ng pahayag ni DOH Spokesman Dr. Eric Tayag
Dengue vaccine
Samantala, sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng ikalawang dose ng anti-dengue vaccine para sa public schools sa Metro Manila, southern at central Luzon.
Sinabi ni Tayag na unti-unti nang ibinibigay ang ikalawang dose ng bakuna at sa susunod na taon naman ibibigay ang ikatlo at huling dose.
Posible aniyang hindi nabigyan ang lahat ng unang dose dahil sa magkakaibang rason katulad ng mayroong sakit ang mga ito nang ibigay ang bakuna o kaya ay na-late ang mag-aaral sa pagsasauli ng informed consent mula sa magulang.
Bahagi ng pahayag ni DOH Spokesman Dr. Eric Tayag
By Rianne Briones | Katrina Valle | Balitang Todong Lakas