Inaprubahan na ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagpasok ng tatlong bagong Transport Network Company o ride-hailing apps na magiging ka-kumpitensya ng Grab.
Sa inilabas na accreditation ng LTFRB, pinayagan ng ahensya na ang “Hype”, “Hirna” at “Go Lag” na mag–operate ng dalawang taon.
Tiniyak ni Nicanor Escalante, President at CEO ng “Hype”, gaya ng Grab ay mga pribadong sasakyan ang kanilang magiging katuwang ngunit tiyak na mas mababa ang kanilang singil sa pasahe.
Magiging “completely operational” aniya ang “Hype” sa huling buwan ng Mayo.
Sinabi naman ni Willie Bercasio, tagapagsalita ng “Go Lag”, mahigpit nilang ipatutupad ang “one strike policy” sa mga driver na magkakansela ng mga pasahero.