Kasalukuyang nakakaranas ng energy crisis ang bansang Australia, Pakistan at South Korea.
Pangunahing dahilan dito ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na nangungunang exporters ng enerhiya sa buong mundo.
Sa Australia, sinuspinde na ng energy market operator ang national electricity market na unang beses nangyari sa kasaysayan ng bansa.
Magdudulot ito ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa wholesale markets.
Ang bigo namang pagbayad Sa Chinese Power Producers ang dahilan ng power crisis sa Pakistan kaya i-shi-nutdown ang China-Pakistan Economic Corridor (CPEC).
Samantala, bilang solusyon ay bumubuo na ang South Korea ng biomass-based eco-friendly energy project na magsusunog ng kahoy na gagawing turbine para makalikha ng kuryente.