Nagsanib – pwersa na ang tatlong bansa sa Southeast Asia upang mas paigtingin pa ang kampanya laban sa terorismo.
Kasunod ito ng inilunsad na Joint Philippines – Indonesia – Malaysia Air Patrol na may layuning bantayan ang buong rehiyon laban sa banta ng kaguluhan ng terorismo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, patunay ito na patuloy ngayong lumalakas ang mga hakbangin upang ma-counter ang galaw ng mga teroristang grupo sa rehiyon.
Dagdag pa ni Abella, sa pamamagitan ng pagpapalitan ng impormasyon ng tatlong bansa, mas magiging madali at mabilis ang pag-responde ng militar laban sa mga teroristang nais na maghasik ng kaguluhan sa rehiyon.