Nakaranas ng pangangati ng lalamunan ang mga residente ng tatlong barangay sa bayan ng Agoncillo, sa lalawigan ng Batangas matapos magbuga ng asupre o sulfur dioxide ang Bulkang Taal.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), maging ang pananim ng mga naninirahan sa mga barangay ng banyaga, bilibinwang at Subic Ilaya ay nanuyot o tumigas dahil sa pangyayaring ito.
Pahayag ng Phivolcs, mahigit 9,000 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng taal sa nakalipas na dalawang araw.
Pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga residenteng malapit sa bulkan na palaging magsuot ng face mask at uminom ng maraming tubig.
Nananatili naman sa alert level 2 ang Taal volcano dahil sa patuloy na abnormal activities na naitatala nito.