Isinailalim sa granular lockdown ang tatlong lugar sa Maynila dahil sa naitalang maraming kaso ng COVID-19.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), tatlong indibidwal ang apektado ng lockdown.
Hindi naman pinangalanan ng PNP kung anong mga barangay ito.
Anim na Pulis at anim na force multipliers ang inilagay sa lugar para bantayan ang galaw ng tatlo.
Ito na lamang ang natitirang barangay sa Pilipinas na nasa ilalim ng granular lockdown.
Sa huling datos, nasa 240, 213 na ang sinita sa Metro Manila dahil sa paglabag sa health protocols laban sa COVID-19.
Kabuuan naman itong 803, 949 lumabag na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa.