Nakatakdang dumaong sa Pilipinas ang tatlong barko ng Russian navy bukas, Abril 8 para sa limang araw na goodwill visit.
Ang mga ito ay ang Admiral Tributs at Vinogradov na pawang malalaking Russian submarine ships at ang Irkut na isa sa malalaking sea tanker ng Russian Navy.
Ayon kay Philippine Navy Spokesman Capt. Jonathan Zata, bahagi aniya ito ng pagpapalakas sa magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia.
Alas otso ng umaga bukas, dadaong ang tatlong barko sa Pier 15 sa South Harbor sa Maynila at ito’y bibigyan ng welcome ceremony ng navy.