Patay ang tatlong (3) bata makaraang sumabog ang isang granada sa Lianga, Surigao del Sur kahapon, Pebrero 6.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rynna Tiu, 12 taong gulang; Renz Galdiano, 3 taong gulang; at Reden Galdiano, isang taong gulang.
Batay sa imbestigasyon, pinaglalaruan ni Renz ang isang bala ng m203 grenade launcher at saka nito itinapon sa terrace ng bahay kung saan naroon ang dalawa pang bata.
Matapos ang ilang minuto ay narinig ang malakas na pagsabog at nakitang wala nang buhay ang mga biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya kung paano at saan nakuha ng mga bata ang nasabing pampasabog.