Nasawi ang tatlong bata sa nangyaring airstrikes sa Tigray Region sa Ethiopia.
Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na si Jens Laerke.
Aniya, nasugatan din ang siyam na katao at nasira ang mga gusali sa pangalawang airstrike na nangyari sa mekelle kung saan inakusahan ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF) si Prime Minister Ably Ahmed na tinarget umano ang mga sibilyan na nasa palengke.
Giit naman ng Ethiopian Air Force na ang isinagawang airstrike ay laban sa TPLF Communication Network at pasilidad nila sa Mekelle. —sa panulat ni Airiam Sancho