Tatlong bata ang nasawi habang isa naman ang sugatan dahil sa airstrikes sa Tigray Region sa Ethiopia.
Ayon kay Jens Laerke, Spokesperson ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, siyam na iba pa ang sugatan at napinsala rin ang ilang mga bahay at hotel sa bayan ng Mekelle dahil sa pangalawang airstrike.
Inakusahan naman ng Tigray People’s Liberation Front Ang Ethiopian Government sa nangyaring pag-atake sa mga sibilyan.