Patay ang tatlong (3) bata habang sugatan ang labing tatlong (13) iba pa matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyang Isuzu Ford Fiera sa Buguias, Benguet noong Biyernes, Mayo 12.
Kinilala ng mga otoridad ang nasawi na sina Leo Adel Tullabang – 9 na taong gulang, Jay – Ar Adel Tullabang 10 taong gulang at Fred Elmer Quinio Bagni – 14 na taong gulang.
Idineklarang dead on arrival ang mga biktima sa Luhteran Hospital sa Abatan, Benguet.
Nakasakay ang mga biktima sa ibabaw ng bubong habang puno naman ng gulay ang loob ng sasakyan na ide – deliver sana sa bayan ng La Trinidad.
Batay sa salaysay ng drayber, nawalan sya ng kontrol sa pagliko sa kurbadang daan sa gilid ng bundok.
Habang ang iba naman ay nagpapagaling pa rin sa Luis Hora Memorial Regional Hospital.
By Rianne Briones