Patay ang 3 magkakapatid matapos pagsasaksakin ng sarili nilang ama sa Sampaloc, Maynila.
Posibleng maharap sa kasong multiple parricide ang suspek na si Rolando Reformado Jr. ng barangay 507, Dapitan Street sa naturang lugar.
Ayon kay Police Supt. Manan Muarip, station commander ng Sampaloc Police, posibleng problema sa pamilya ang nagtulak kay Reformado para patayin ang kanyang mga anak na sina Jonelle, Jonli at Janelle.
Sinasabing matapos ang krimen ay sinaksak din ng suspek ang sarili at nag-iwan ng suicide note sa pader ng kanilang bahay gamit ang dugo ng kanyang mga anak.
By: Jelbert Perdez